• The Unification Process [Tagalog]


    Sa panunungkulan ni Senador Gregorio B. Honasan II sa senado ng Pilipinas, napag-alaman natin mula sa ibat ibang nakaraang pahayag kung paanong ang pagkaugnay ng dating senador ay pinasimulan sa mga daing at panawagan ng pagka-kaisa mula sa may mga tatak ng GUARDIANS sa buong kapuluan na kanyang nakasalamuha sa kanyang mga pag lilibot kaugnay sa kanyang tungkulin bilang senador at sa pagtupad ng kanyang mandato bilang lingkod bayan.  Ang mga samut saring daing sa mga ordinaryong mamamayan ay maisasa-buod sa isang kataga, “Pagkakaisa”.
                 Sa simula pa lamang ng taong 1996 ay may mga pauna nang patalakay sa pagitan ng ibat ibang paksyon ng GUARDIANS sa buong kapuluan upang mapagsama sa isang samahan, isang pangalan at isang pamunuan. Ang mga ito ay bunsod na rin ng mga sumusunod na pangyayari.
                    A) Laganap na pangangalap ng kasapi sa ibat-ibang paksyon ng GUARDIANS na di dumadaan sa tama at tradisyunal na proseso. Marami sa mga nahimok lalo na sa mga sibilyang myembro ay napatunayang may kakulangan at di nararapat maging Mahistrado na siyang dating ibig sabihin ng unang kataga sa MAGIC Group. Ang iba naman ng nakitang nagka ugnayan sa mga criminal at iligal na gawain kayat maituturing na di nararapat.
                    B) Mataas at sobra-sobrang pangugulekta ng mga bayarin at iba pang hindi makatwirang pangangalap ng salapi mula sa mga kasapi.  Sa kadalasan ang dapat na pondo ng Tsapter ay palagiang pinagmumulan ng awayan at di pakakaunawan sa pagitan ng mga kasapi.  Liban pa rito ang mga legal ng kautusan ng mga namumuno ng tsapter as di nasusunod.
                  C) Sa mga naisaad na suliranin, ang pagbubuklod sa pagitan ng ibat ibang paksyon, ay lubhang naging mahalaga at ang bagong layunin ay upang ilagay ang lahat ng grupo sa isang nakakasakop na organisasyon at isang pangkalahatang Konstituson at By-laws at isang pamunuan.
                D) Ang pagbubuklod at naglalayon din na pagsamahin at magbalikaral tungkol sa mga layunin at direksyon ng samahan at sa banding huli at ipaganap ang paglilinis ng hanay lalung lalo ng doon sa mga sumalungat at lumabag sa mga lehitimong kautusan at sa Atas ng Dapat Ugaliin ng samahan.
                  Disyembre ng taong 1998, isang inisyal na pagpupulong na layunin ang pagbubuklod ay ginawa sa Ozamis City, Misamis Occidental sa inisyatiba ni ex- Capt. Ramon “SGF ESPHINX” Espino, na walang kapaguran nagtatag ng Konbensyon sa Mindanao kabilang ang kangyang grupo.  Ito ay dinaluhan ng mga kilalang pinuno at personalidad kabilang sina; Dating Sen. Gregorio B. Honasan II, P/Insp. Leborio Jangao, Gil Taojo, Col. Anastacio Labitad, Col. Gregorio Duremdex, Col. Billy Bibit at Rev. Fr. Nilo Tayag.
                    Sa kalagitnaan ng taong 1999, ilang butihing tauhan sa tanggapan ni Sen, Honasan sa pangunguna ni George M. “FGBF GEORGE” Duldulao ay nagpasimulang maglunsad ng seryosong pagkilos upang magbigay daan sa pag-iisa ng GUARDIANS sa pamamagitan ng matiyagang pakikipagugnayan sa mga kinikilalang pinuno ng lahat ng paksyon ng GUARDIANS sa buong kapuluan.
                   Sa ilang buwang pagsubok na biyang daan ang pagbubuklod, maraming agad na nakiisa dahil na rin sa ang butihing senador ang pangunahing kosederasyon sa pagbubuklod, ngunit hindi rin nawala ang ilan ng may negatibong pananaw tungkol dito. Tutuong isang mahirap na  hakbangin pero ang buod ng grupo ng pagbubuklod na ito ay di natigatig sa mga pinanghihinaan ng loob kaya pinagpatuloy nila ang layunin ng pagsasamasam ng kapatiran sa isang magkakabulod na pambansang samahan.  Ito ay sa dahilang sa loob ng halos dalawamput limang (25) taon, ang kilusang GUARDIANS ay walang malinaw na pananaw sa kanyang patutunguhan at walang nakahaing pormal na balangkas bilang samahan.
                Ang  isa pang kombensyon sa Buhangin Davao City ay ginanap noong Oktubre ng 1999 kung saan isang bagong konstitusyon at by-laws ay inihatag subalit hindi ito kumalap ng mayorya ng mga kinatawan ng rehiyon.  Marami sa mga dumalo at nagmula sa Mindanaw maliban sa Zamboanga o Reg. !X, isa lamang mula sa Luzon at konti sa Visayas.
           Ang pinakahihintay na pangyayari ay naganap noong ika-18 at 19 ng Marso 2000 nang ang mga nakatatanda at mga kilalang pinuno ng GUARDIANS mula sa ibat ibang paksyon at grupo ay nagtipon para sa isang pulong ng pagbubuklod sa Maynila.  Tulad ng inasahan ang senaryo at kaganapan ay di kaayaaya sa simula pa lamang ang mga delegado ng labintatlong (13) rehiyon na may iba-ibang oryentasyon ay nagdatingan at pawang sila ang nagsabing original na GUARDIANS.
            Bagaman at tutuong mahaba at makabasag puso ang mga talakayan at tagisan ng mga higanteng GUARDIANS, mula sa resulta ng pagpupulong at nabuksan ang isang mahalagang pangyayari… ang pagsilang ng ‘Philippine GUARDIANS Brotehrhood, Incorporated (PGBI)” na ang pangunahing layunin ay pagisahin, palaganapin at panatilihin ang pagkakapatiran ng kanyang mga kasapi para sa ikabubuti at upang mas pagtuunang pansin ang interes at hinaing ng mas nakararami na naglalayong makamit ang patuloy na pag unlad para sa mamayang Filipino bilang isang samahan na di sangay ng pamahalaan .
                Ang “Articles of Incorporation at Constitution and By-Laws” ng samahan ay binuo, inaprubahan at pormal na narehistro sa SEC noong ika 26 ng Hunyo 2000 na may SEC Registration Nr A200008885. Ang mga ‘incorporators’ ay sina
                    Fernando “RMG ELSEWHERE” Malamion                                  CAR
                    Isa Perfecto ‘RMG MOHAMMAD” Vergel de Dios Jr.                    NCR
                    Atty. Rex Alvin ‘RMG ARAB’ Bilagot                                         Reg. I
                    Miguel ‘RMG MASTER’ Salomon                                              Reg II
                    Isaac ‘RMG MEL” Padilla                                                         Reg III
                    Ernesto ‘RMG MAO” Macahiya                                                Reg IV
                    Fiscal Romeo ‘RMG ISAROG” Tayo                                          Reg V
                    Steve “SGF SKIPPER” Martir                                                 Reg VI
                    Atty, Pedro Leslie “RMG PLS” Salva                                        Reg VII
                    Dr. Pantaleon ‘RMG EXPLORER’ Crodua, Jr.                              Reg. VIII
                    Hamid ‘RMG AMID’ Julhani                                                    Reg IX
                    Atty. Arthur ‘RMG COMET’ Abudiente                                    Reg  X
                    Dionisio “FGRF DANIEL” Quita, Jr.                                           Reg XI

                 Samantalang sina Sen.Gregorio “SGF GRINGO” B. Honasan II, Leborio “MFGF ABRAHAM” Jangao, Jr., Billy “SGF SIERRA” Bibit, Ernie “MG CARUB” Burac, Bernard “RMG RANGER” Corella, Elixier “RMG NOAH” Bongabong, George “FGBF GEORGE” Duldulao at Garibaldi C. Sungduan ay pawang lumagda bilang mga saksi sa ‘Articles of Incorporation”.
            Ang mga miembro ng “Interim National Executive Council” na binuo ng mga kinatawan sa National Unification Convention ng Ika 18 at 19 ng Marso 2000 ay agad natatag sa pagka ratipika ng Konstitusyon at By-laws maliban kay Fernando “MG ELSEWHERE” Malamion- kinatawan ng Cordillera Administrative Region (CAR) na pinalitan ni Piskal Elmer “MG PIALMER” Sagsago dahilan sa ang una ay kumatawan kay “MG PIALMER” bilang delegado sa bisa ng resolusyon ng liderato ng CAR.
              Lahat ng kinatawan ay pawang naguumalab at masigasig na bumalik sa kanilang rehiyong nasasakupan at ibinalita ang tungkol sa pagsasama sama ng GUARDIANS upang paghandaan at ipatupad iyon sa buong kapuluan.
             Subalit sa mga pagbabago sa kalagayan at pangangailangan ay naging marapat na ang konstitusyon ng PGBI at ang mga legal na kautusan ay kinailangan umayon sa mga pagbabago.  Ang pagbabalangkas at pagsasaayos ng samahan ay isinagawa simula sa nakatatas na pinuno at ang bawat isa ay may kanya kanyang panahon upang mamili at kung minsan mapait mang tangapin ang pagalis o pagkatiwalag ay kailangang gawin.  Kaya’t bagaman at sila ay naging bahagi ng pagugit sa kasaysayan ng PGBI, kailangan na igalang at hayaan sa kanilang landas ang mga sumusunod na kapatid na nakiisa sa pagbubuklod ng samahan; VPs Luzon Bernard “RMG RANGER” Corella at Virgilio “SGF BRONZE” Briones, VPs Visayas Pastor “RMG CADRE” Alcover, sa NCR ay sina Mohammad Isa Vergel de Dios at SGF LAZO. Sa Reg.III si Isaac “RMG MEL” Padilla, sa Reg IX si Hamid “RMG AMID” Julhani, sa Reg XI si Daniel “FGRF DANIEL” Quieta, Jr. at maging ang naging kasapi ng Sekretariat ng Unification na sina Ernie “MG CARUB” Burac at Elixier “MG NOAH” Bongabong.
             Ang titulong Master Founder (MF) na nasa orihinal na Constitution & By-laws ay nagkakaisang inalis at inaprubahan ng mga miembro ng PGBI National Executive Council (NEC) sa kumbensyon na ginanap noong ika 22 ng Hunyo 2002 ng amyendahan ang ating konstitusyon.
             Sa pambansang kombensyon na ginanap sa Cembo Makati noong ika 22 ng Mayo 2005 si Leborio “MFGRF ABRAHAM” Jangao, Jr ay tuluyan ng tinangal sa PGBI sa bisa ng isang resolusyon na inihain, pinangalawahan at ipinasa ng pangkalahatang kinatawan na naroon. Sa okasyon ding iyon ang mga founders at mga incorporators ng GBI ng pinangunahan ni Rogelio FGBF ATONG” Attunaga ay ipinahayag ang kanilang boto ng pagtitiwala sa pamumuno ni GS GRINGO kung saan ang huli ay muling nagpa tattoo ng marka ng kapatiran.
             Ang GUARDIANS ay isang hindi pangpamuhunang samahan na itinatag upang makatulong at mapakinabangan ng ating kapatid sa sandatahan hindi lamang sa oras ng panganib o tungalian ngunit higit sa lahat ay sa panahon ng kapayapaan.
                    Ito ay may dakilang layunin na Pagkaisahin ang mga tauhan ng Sandatahan ng Pilipinas, ang kapulisan at ang mga sibilyan upang pangalagaan ang batas ng ating Republika.
                    Kaya nga’t ang samahan ay walang isinaa-alangalang na katapatan sa kanino mang partidong pulitikal o indibiduwal kundi iyong pagtataguyod ng ano mang demokratikong pamahalaan o ng mga awtoridad na binasbasan ng mga mamamayan.
                    Ang GUARDIANS kung gayun ay hindi isang samahan ng militar ngunit ito ay nagsisilbing sumasaklaw na katauhan na sa pamamagitan ng kapatiran ay naglalayon na pangalagaan ang karapatan ng mga unipormadong tauhan at gayun din ang mga sibilyang kasama ng kapatiran. Bawat kasapi ng GUARDIANS maging militar, pulis o sibilyan ay pangunahing nanumpa bilang kapatid ng sambayanan at tagapagbantay ng batas at karapatan ng taumbayan. Higit sa lahat ang GUARDIANS ay itinatag upang ang liwanag ng kalayaan at kapayapaan ay mapanatili sa bawat tahanan sa ating mahal na bayan. (Copyright 2008 PGBI)

0 comments:

Leave a Reply

Guardians Prayer

LORD, teach us to be courageous and not over come by fear disciplined with the lowly and high brotherly among friends and enemies righteous in the face of greed. GOD, teach us to be ingenious protectors of the helpless dauntless advocators of the Filipino banner Liberty and oneness, kind, expecting no thanks and not giving hatred loyal to our Country and creed mild in anger and tears noble in victory and defeat sincere without pretense and without pride GOD, we beseech thee grant us wisdom to know the way and the strength to go the way. AMEN. Long Live PGBI/GUARDIANS

Guardians Meaning

Meaning of Guardians The term “GUARDIANS” was not chosen arbitrarily. It is an acronym of certain words which best represents the noble ideals of a GUARDIANS. The term is the closest word approximating the ever watchful citizen of the COUNTRY, the FILIPINO PEOPLE, the FAMILY and the BROTHERHOOD itself, thus; G - is for Gentlemen U - United A - Associates R - Race D - Dauntless I - Ingenious A - Advocators N - Nation S - Society

Guardians Song

Hanggang kamatayan Hanggang sa libingan Hanggang sa huling patak ng dugo Ng mga Guardians Mithiin ng bayan Aming ipaglalaban Hanggang kamatayan Hangggang sa libingan Pangkat ng mga Guardians Lalaban di patatalo Layunin ng lipunan Ipaglalaban ng Guardians Mabuhay ang Guardians! Mabuhay ang PGBI! Mabuhay ang Bohol Island Guardians!