-
The PGBI Story [Tagalog]
Pag nabibigkas ang salitang ‘GUARDIANS’ ang nasa isip ng karamihan ay ang anino ng kapatiran na samahan ng mga unipormadong tauhan ng sandatahang lakas at ng kapulisan at iba pa nitong sangay na iniuugnay sa dating rebeldeng sundalo at bayani na si Gregorio “GRINGO” B. Honasan II, ngunit sa nakararaming markadong GUARDIANS, ito ay napakalayo sa katotohanan.Ano man ang kasaysayan ng kilusang GUARDIANS ang pinagmulan nito ay maaring ang pagtangkilik sa kaparehong konsepto na pinili mula sa maikling pananatili ng DIABLO SQUAD CRIME BUSTER ASSOCIATION, INC. (DSCB), na ang mga ‘incorporators’ ay ang mga sumusunod. na pawang mga taga Zamboanga City,ngunit hindi ibig sabihin na ang kilusang GUARDIANS ay nagmula sa mga Diablo Squad Crime Buster Association, Incorporated.Edwin H. Vargas ng CalarianLevigildo Lanto ng Sta. MariaMemerto Romero ng TetuanJesus Mabalot ng AyalaJose Saplan ng Sta. MariaJeffrey Horlador ng Sta. MariaReuben Roan ng Lower CalarianJesus Tan ng Cawa-CawaJose Regino ng Guardia NationalCeferino Bernardo ng Cawa-CawaElias Enriquez ng Pilar St.Salvador Olarte ng CalarianJose Manglicmot ng Sta. MariaAntonio Espiritu ng Sta. MariaRoman Tigas ng Sta. MariaSina Geronimo at Flores ay lumagda bilang mga saksi sa “Articles of Incorporation na narehistro sa SEC sa ilalim ng Registration Nr. 119564 noong ika-12 ng Marso 1984 ngunit walang Konstitusyon at By-Laws ng ipinasa sa “Securites and Exchange Commission” (SEC).Bagamat ang pangalan ay hindi lumitaw sa listahan ng ‘incorporators’ o sa mga naging saksi, ang grupo ay inari di umano ni Leborio Jangao at iprinoklama ang sarili bilang “Master Founder ng DSCB at maging ng GUARDIANS.'Sa inspirasyon na ibinigay ng konsepto ng pagpapalaganap ng pagsasamahan at pagkakaisa sa hanay ng mga unipormadong tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Konstabularyo at Kapulisan, ito ay nagbigay daan sa pag silang ng GUARDIANS BROTHERHOOD, INC (GBI) noong mga unang buwan ng taong 1984 na di umano’y nag-ugat ang kasapian sa mga lugar sa Mindanao.Ang Artikulo ng Inkorporasyon at Kontitusyon at By-Laws ng samahan ay natalakay at ipinasa, kung saan ng magtatapos ang taon ay pormal na narehistro sa Securities and Exchange Commission noon Disyembre ng taong 1984 sa ilalim ng SEC Reg. Nr. 123899. Ang mga Incorporators ay ang mga sumusunod.Anastacio G. Labitad Acasia St., Carmen, Cagayan de Oro CityGil K. Taojo, Jr. Tagum, DavaoNicanor Cagurangan TarlacThemostocles Romeo Pateros, Metro ManilaSergio Ferrer 287 Aldana Real St., Las Pinas CityLeonides Montehermoso 35 Awang, Cotabato CityOscar Arevalo Labuan, Zamboanga CityRogelio Attunaga 1992 D. Dart, Paco, ManilaElpidio Seletaria Ozamis CityAgustin Tungcol Penablanca, CagayanCristobal Estrada San Quintin, PangasinanCatalino Herrera, Jr. Blk 222 Lt 5 Phse J Francisco Homes, BulacanRobert Taguinod Enrile, CagayanErnesto Embalzado 35th Camarilla St., Murphy, Quezon CityEdgardo Palmera 19E 1st Ave., Cubao, Quezon CitySina Col Gregorio B. Honasan II at MSgt Agustin ay lumagda bilang mga saksi sa Articles of Incorporation. Sa pagka rehistro ng samahan sa SEC, ang mga sumusunod na taon ay kinakitaan ng pinakamalaking resulta sa kasaysayan ng kilusang GUARDIANS kung saan ang mga kasapi ay lumago at lumaganap sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas at umabot maging sa mga ilang at napakalalayong bayan at kanayunan. Sa pag-aalala ng pamunuan ng GBI sa lumalawak na dami ng kasapi, sila at nagtatag ng isang sangay pampinansyal ng samahan, ang GUARDIANS CENTRE FOUNDATION, INC. (GCFI) na ang pinaka layunin ay matugunan ang mahirap na kalagayang pang ekonomiya at ang agarang panganga-ilangan ng mga kasapi at yung sa kanila ay umaasa.Ang Articles of Incorporation ng Foundation ay tinalakay. ipinasa at pormal na narehistro sa SEC noong ika-13 ng Oktubre 1993 sa SEC REg Nr. 132118. ang mga incorporators ay sina:Dahilan na rin sa di maapulang pangangalap ng kasapi at sa pagpasok ng mga sibilyang kasapi sa lahat ng antas ng pamumuhay kung saan ang mga mahahalagang pinuno at kasapi ay tinuring ito bilang walang basehan, hilaw at di lehitimo, kaya’t isang guhit ng hangganan ang unti unting naghiwalay sa GBI at GCFI bilang dalawang malaking grupo. Ang paghihiwalay na ito ay nagpasimula ng higit pang pagkahati sa loob ng kilusang GUARDIANS sa lahat ng markadong myembro sa buong kapuluan na nagpausbong sa mga paksyon at mga kalat ng grupo at ilan sa mga ito ay;1 Guardians of Democracy (GoD)2 Guardians Commando3 Guardians Local4 Guardians Bronze Wings5 Guardians Ilocandia6 Guardians H-World7 Guardians Mayor Group8 Guardians 20009 Guardians Association10. Guardians Exodus11 Grand Order of the Unified Guardians Association12 Guardians Philippines Incorporated13 Guardians Luzvimin14 Guardians Tanaosug15 Guardians Moret16 Guardians Spider Group17 Guardians Robles18 Guardians United Democracy and Ecology (GUIDE)19 Guardians Brotherhood of MAGIC Group Association Incorporated20 Guardians MountainIto ang pinakamalaking pagkukulang ng GUARDIANS na nag pasimula ng kawalan ng kasiguruhan ng samahan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments: